Ciara's point of view Kinabukasan, maaga kaming nagising ni Luca kahit hapon pa ang schedule namin. Parang mas magaan na ang hangin sa pagitan naming dalawa ngayon, wala na ‘yong tahimik na may halong tampuhan. Nakasandal ako kay Luca habang nagkakape, at paminsan-minsan, napapangiti ako kapag tinitingnan niya ako. Ang landi ko na agad na haliparot pa, ah. “Okay na tayo, ha?” sabi ni Luca habang nag-aayos ng relo. “Ayoko nang paulit-ulit ‘to.” Ngumiti lang ako, aapaw na naman ang pagkahyper ko. “Okay na, promise. Wala nang drama, wala nang selos-selos. Kahit maghubad pa si Dr. Collins sa harap ko, wa’kong pakialam.” Napatawa si Luca, as if naman papayagan niya 'yun. “Good. Kasi baka ako ang magwala sa clinic niya.” “Behave ka, asawa ko,” sabi ko, sabay kurot sa braso niya. “Doctor ‘yon, hindi model.” Pagdating namin sa clinic ni Dr. Collins, tahimik lang ito ngayon, kami na rin ata 'yung huling pasyente. Eleganteng lugar din naman kasi talaga ang clinic ni Dr. Collins, ang lini
Baca selengkapnya