Lumipas pa ang mga araw, linggo at buwan, nasaksihan ni Pola ang komplikadong relasyon ni Morris at Tanya, walang araw yata na hindi nakikipagtalo ang babae sa binata, nakikita niya na hinahabaan lang ni Morris ang pasensya nito sa babae pero minsan ay nasasagad ang pagtitiis nito. Until they were arguing nonstop. Minsan nga ay nadadamay na din siya sa pang aaway ni Tanya. Pinagseselosan na rin siya dahil mas madalas daw siyang kasama kaysa dito na fiancee ni Morris. "I'm sorry Pola, pati ikaw nadadamay na." Sabi ni Morris na ekseheradong nagbuntong hininga, kakababa lang niya ng cellphone, hindi kasi tumigil sa kakatawag si Tanya at dahil hindi sinasagot ni Morris ang tawag nito, siya ang tinawagan ng babae. At gaya ng inaasahan, wala namang magandang resulta ang tawag na iyon, walang katapusang singhal ang inabot niya. "It's okay, I'm used to it." nakangiting sabi niya, tumingin ito sa kanya pagkuwa'y muling nagbuntong hininga. "Kumain ka na ba?" tanong nito, maang na tumingi
Read more