Pagod na naupo si Pola sa pabilog na upuan, nakatingin siya sa masayang mukha ng matandang babae na nakikipag-usap sa babaeng empleyado, naroon sila sa wedding gown boutique. Ilan wedding dress din ang sinukat niya bago ito nakapamili. Naramdaman niya ang pagtabi ni Brent, tumingin ito sa kanya. "Are you okay, Pola?" nag-aalalang tanong nito, umiling siya. "Am I look like I’m okay?" nakangiwing sagot niya, bakas ang pagod sa mukha niya. "Hindi lang yata sampung wedding dress ang pinasukat ng mommy mo sa akin," patuloy niya, binalingan niya ang mga wedding dress na nakahanger. Nagbuntong-hininga ito, "I’m sorry, Pola," anito, tila awang awa sa kanya. Nagbuga siya ng hangin, "Hanggang kailan ba ito, Brent? Ngayon, fitting ng wedding dress... baka bukas ay food tasting na, sa makalawa ay reception venue," reklamo niya. Naramdaman niya ang paghawak nito sa kamay niya, "Pola, hindi mo ba talaga gustong magpakasal sa akin? Bakit hindi natin totohanin to? I like you, and you know t
Read more