"Bestie, I'm so sorry. None of this is what I wanted. I never meant to hurt you," her friend said, holding her hands tightly. Ngumiti siya ng pilit, kahit na ang totoo ay nasasaktan siya. "Alam ko bestie, alam ko. Don't worry, hindi ko kayo guguluhin ni Morris, kakalimutan ko siya para sa'yo." Sabi niya, pero nanginginig ang tinig niya sa mga huling sinabi. Lumuha ang kaibigan at niyakap siya. "Thank you Selina, and sorry. Alam kong masakit sa'yo ang lahat ng ito, huwag kang mag alala, hindi ko pababayaan si Morris, susubukan ko siyang mahalin gaya ng pagmamahal mo sa kanya, aalagaan ko siya hanggang sa pagtanda namin," sabi nito habang nakayakap sa kanya. Pinipigilan niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagkagat sa ibabang labi upang hindi maluha. Gusto niyang itago ang kanyang tunay na damdamin sa kaibigan at hayaang maging masaya ito kasama ang dating nobyo nang walang bahid ng pagsisisi. Nang humiwalay ang kaibigan sa pagkakayakap sa kanya ay sumulyap ito sa dala
Última atualização : 2025-10-03 Ler mais