Nasa elevator na si Selina at pababa siya sa pangalawang palapag kung nasaan ang company cafeteria. Iniwan niya si Eachen na natutulog sa couch, hindi na niya ito ginising para kumain ng tanghalian dahil napakahimbing pa rin ng tulog nito, io-order na lang niya ito ng pagkain sa restaurant pagkagising nito mamaya. May ilang empleyado siyang kasabay doon, grupo ang mga ito kaya naiilang siya, tumigil ang elevator sa ikapitong palapag, bumukas at pumasok ang isang matangkad na lalaki. Napansin niya ang ginawang sikuhan ng mga babae, nagningning din ang mga mata ng mga ito habang nakatingin sa guwapong lalaki. "Selina!" Masayang bulalas nito nang mapansin siya sa sulok, nilapitan siya nito, "Saan ka pupunta?" Tanong nito. "Sa cafeteria," kaswal na sagot niya. "Are you eating lunch there as well?" tanong nito.Tumango siya."Oo.""Tamang tama, doon din ang punta ko, sabay na tayo kumain," sabi nito. Hindi nam
Última atualização : 2025-10-08 Ler mais