Chapter 140Sa mansion ng mga Lagdameo ay kumpleto silang lahat sa isang year end dinner party. Tahimik lang si Cormac sa kinauupuan niya. Nakikinig, nakamasid pero ang isip niya, wala roon.Sa dulo ng mesa, naroon ang lolo niya si Frank Lagdameo na dating heneral. Ngayong taon, siyamnapu’t tatlong taong gulang na.Mahina na ang katawan ng bahagyang nakayuko, umaasa sa tungkod. Pero kahit ganoon, hindi nawawala ang dignidad. Isang tingin lang niya, sapat na para tumahimik ang buong hapag.Matapos ang hapunan, may mga dumating na bisita—mga dating tauhan ng lolo niya, kasama ang kani-kanilang pamilya. May isang dalagang kakauwi lang mula abroad.“Cormac, long time no see.”Napatingin si Cormac. Hindi niya ito agad nakilala.Pero ang paraan ng pagtawag ay malambing, may halong landi at sapat para kilabutan siya.Parang… mali.Napangiti siya nang bahagya, pero sa loob-loob niya, may pumasok agad na isang pangalan.Kung si Naomi ang tumawag sa akin ng gano’n… Iba siguro ang pakiramdam.Ta
Last Updated : 2025-12-19 Read more