Oo, tatlong buwan. Noong panahong iyon, halos mabaliw na si Percival sa paghahanap kay Mheilin, dahil takot na takot siyang muli itong mapahamak pagkatapos ng nangyaring pagkidnap. Samantala, lihim pala itong itinago ng kapatid at isinailalim sa isang brutal na pagsasanay. Kahit na hindi na muling nalagay sa panganib si Mheilin pagkatapos niyon, ang lakas ng kanyang katawan ay bumuti nang husto.Habang nakasandal ang lasing na lalaki sa kanyang balikat, matiyaga niyang pinainom ng sabaw pampawala ng lasing ang kuya niya ng paunti-unti.“Mheilin…” bulong ni Percival, na ang boses ay kakaiba ang lambing dahil sa kalasingan.“Oo, nandito lang ako,” mahinang sagot ni Mheilin.“Huwag kang tatakas ulit… kundi babaliin ko ang mga binti mo.”Kahit lasing na ay nakuha pa rin siyang bantaan nito. Matapos ipainom ang lahat ng sabaw, balak sana niya itong ihatid sa sarili nitong kuwarto. Kaya lang, wala na siyang lakas na kaladkarin pa ito kung saan. Lampas alas-dos na ng madaling araw at karami
Read more