"Here's your delivery, ma'am!""Thank you," tipid na wika ni Zarayah. Binigyan niya ng limang daan na tip ang delivery boy nang makuha na niya ang order.Bumalik siya ng Manila at nagkukulong na lang sa condo ni Magnus na naglahong parang bula simula nang araw na bumalik silang dalawa dito noon. Tinatamad na siya sa lahat ng mga bagay. Lahat ng mga pagkain niya ay ini-order niya sa online. Nangangayayat na rin siya dahil hindi na niya inaalagan ang katawan. Pakiramdam niya ay wala ng direksyon ang buhay niya. Itinakwil na nga siya ng pamilya, nawala pa sa kanya ang lalaking pinakamamahal niya.Akma siyang susubo ng pagkain nang muling maalala si Carcel. Nabitawan niya ang hawak na kutsara at muling namalisbis ang mga luha hanggang sa tuluyan na siyang umiyak. Ilang araw na siyang ganito na para bang pinagsakluban siya ng langit at lupa. Lahat na lang ng mahal niya sa buhay ay iniiwan siya. May nagawa ba siyang malaking kasalanan kaya pinapaarusahan siya ng ganito?Ayon kay Mang Celso
Last Updated : 2025-10-09 Read more