Tatlong araw bago ang kasal nila Ethan at Sofia nagpasya ang dalawa na lumipat na ng bahay— sa dating bahay ni Ethan at Zarayah. Sa lalaki ito nakapangalan kaya malaya pa rin niya itong magagamit. "Hon, bakit nagdala ka pa ng kasambahay? Akala ko ay tayong dalawa lang dito. Hindi na kita masosolo niyan," malambing na turan ni Ethan habang ipinapasyal niya ang kasintahan sa buong kabahayan, ang kamay ay nanunuksong nakakapit sa bewang nito. "Alangan namang ako ang gumawa ng mga gawaing bahay. Magiging asawa mo ako hon, hindi katulong," mahinang hagigik ni Sofia. Nakikiliti sa naglalarong kamay ng binata sa kanya. Napangiti lang si Ethan sa tinuran nito at bahagyang pinisil ang bewang. Nagustuhan naman iyon ni Sofia at siniil ng halik ang kasintahan. Sa gitna ng halikan ng dalawa ay hindi mapigilan ni Ethan na maalala si Zarayah. Kahit kailan ay hindi ito kumuha ng katulong noong nagsasama pa sila. Hands-on ito sa mga gawaing bahay. Masarap din itong magluto dahil naaalala niyang kum
Huling Na-update : 2025-10-09 Magbasa pa