CHAPTER 1Silent War"Andra's POV"Minsan, kahit matapos ang isang malaking event, hindi ka pa rin makatulog. Hindi dahil sa dami ng tao o sa pagod, kundi dahil may mga salita at titig na nananatili sa utak mo, paulit-ulit na bumabalik hanggang sa umaga.At ngayong gabi, iyon ang mga mata ni Theodore Zayne Montenegro.Pagkauwi ko mula sa press conference, halos alas-diyes na ng gabi. Malamig ang hangin, pero ramdam ko pa rin ang init ng adrenaline sa ugat ko. Naka-on pa ang recorder ko sa bag, na para bang may sarili itong heartbeat na kumakaway sa konsensya ko, ito na, Andra. Nagsimula ka na, wala nang atrasan.Sa maliit kong apartment sa Quezon City, nakaupo ako sa lamesa na halos mapuno na ng mga papel, press kits, coffee mugs, at mga sticky notes na parang nagdidikta ng buhay ko. Kinuha ko ang recorder, pinindot ang play, at muling narinig ang tinig niya, "We believe in sustainable progress, inclusive growth..."Napapikit ako. His voice was steady, calculated, commanding. Hindi si
Last Updated : 2025-09-29 Read more