"Hindi ka ba magsasawa sa pagka-amazona niya, anak? Kaya mo ba siyang tiisin? Till death do as part ang kasal, Romane, baka mamaya maghihiwalay din kayo kaagad. Dahil hindi kayo magkasundo.” paninigurado na tanong ni mommy sa akin. "Bakit parang ayaw mo kay Gianna, Mommy? Akala ko ba gusto mo siya? Pagi mo nga siyang kinakampihan kaysa akin na anak mo.” wika ko kay mommy. “Nasasabi ko nga sa’yo palagi, na mas anak mo pa siya kaysa sa’kin. Anyari, My?”"Gusto ko lang naman siguradohin sa’yo, na hindi ka naghihiganti kay Gianna at sa akin. Baka mamaya nagre-rebelde ka lang.” sagot naman ni mommy. Ang utak talaga ni mommy, e, kakaiba. Parang mag-ina nga kami. “Ayokong saktan mo si Gianna. Mahal ko ang batang iyon at tinituring ko ng anak ‘yon." wika pa ni mommy."Alam ko na iyan, My, matagal na." sagot ko. "Kailan ka pa nagkagusto kay Gianna, Romane? Mahal mo ba or gusto mo lang?” tanong ni Mommy sa akin. "Gusto ko siya at sa araw-araw na magkakasama kami made-develop din ang feeling
Last Updated : 2025-11-28 Read more