"Asawa lang naman kita sa papel." wika ko kay Romane saka sinulyapan ito. Mabilis na tumayo si Romane saka tumingin sa akin ng masama. "Anong asawa lang sa papel, Gianna? Kinasal tayo sa simbahan, nangako tayo sa isa't-isa tapos 'yan ang sasabihin mo sa akin?" halos pa sigaw na wika nito sa akin. "Parang hindi ka nag-iisip bago magsalita." dugtong pa nito at galit.Tumingala ako para tingan si Romane sa mga mata nito. "Bakit? Hindi ba totoo?" tanong ko sa kaniya."Nag- I do ka sa kasal natin, Gianna. Baka nakalimutan mo? Ibig sabihin no'n, magsasama at magmamahalan tayo habang buhay." sagot ni Romane na hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha. Galit. "Ah. Gano'n pala 'yon. Ako kasi napikot lang." pang-aasar kong wika kay Romane. At dahil sa sinabi niyang iyon, nagpupuyos sa galit na hinatak ni Romane ang upuan na inu-upuan ko. Pagkatapos, mabilis ang galaw na binuhat ako ni Romane at halos takbohin ang hagdan paakyat, pabalik sa kuwarto namin. Habang ako naman ay natataranta baka ma
Última actualización : 2025-12-18 Leer más