"Huwag mo akong hubaran, Romane! Kahit kailan gago ka. Huhubaran mo ako kapag ako napikon, huhubarin ko pati brief mo.” “Wala akong pakialam, huhubarin ko ang damit mo na kinuha mo sa kabinet ko.” Maganda kasi ngayon ang teknik ko. Nakapa-ibabaw ako kay Gianna at hindi niya kaya ang bigat ko kaya halos hindi siya makagalaw. Napagtagumapayan kong iangat ang damit na suot ni Tomboy. Ngunit hindi ko pa lubos ito nahubad dahil kailangan ko pang i-angat ang mga braso nito. Wala akong pakialam sa sakit ng buhok ko natila matatanggal na sa anit. Dahil sa sabunot ni Tomboy, basta ang focus ko ngayon ay sa paghubad ngdamit ko na suot niya. Lihim akong ngumiti dahil malapit na akong magtagumpay. "Wala akong pakialam sayo, Gianna. Damit ko lang ang kailangan ko, hindi ikaw."Hinablot ko ang kamay niya na nakahawak sa buhok ko, napasobsob tuloy ako sa dibdib nito. Nyeta, wala naman itong dibdib kaya wala itong malisya.
Terakhir Diperbarui : 2025-10-01 Baca selengkapnya