KABANATA 2: The Memory of the Silent Girl—MALIMIG ang hangin sa executive lounge ng Vasquez Logistics Tower sa BGC. Sa kabila ng salaming bintana na nakaharap sa mga kumikislap na ilaw ng Metro Manila, nakatayo si Dark Vasquez habang hawak ang isang baso ng Macallan. Ang bawat paglagok niya ng alak ay may kasamang bigat ng isang mahabang araw na puno ng mga pulong, milyon-milyong kontrata, at mga taong walang ginawa kundi sundin ang bawat utos niya.Thirty-five years old, tanyag, makapangyarihan, at may reputasyong hindi kayang itali ng kahit sinong babae. Sa mata ng lipunan, si Dark ang epitome ng isang walang pusong bachelor at kilalang playboy, isang lalaking sanay na makuha ang lahat sa pamamagitan ng kaniyang boses, yaman, at kapangyarihan. Wala pa siyang hiningi na hindi naibigay. Walang babaeng naglakad palabas sa buhay niya na hindi niya pinalitan sa loob lamang ng ilang araw. Sanay siya sa mga ngiting may kapalit, sa mga salitang puno ng papuri, at sa mga matang may nakata
Leer más