MAALIWALAS ang sikat ng araw ngayong umaga. Ang banayad na simoy ng hangin sa labas ng Santiago residence ay nagdadala ng amoy ng basang damo at malamig na kapeng bago pa lang naitimpla. Sa loob ng malawak na kusina, maayos na nakaupo si Bea habang pinaliliguan ng tingin ang kanyang dalawang mahal sa buhay. Si Baby Sabrina, na ngayon ay mas madaldal na at may malalambot na pisngi, ay nakaupo sa kanyang high chair habang lalaro-laro sa malambot na silicone spoon. Si Ashton naman ay nakatayo sa harap ng counter, nakasuot ng simpleng grey shirt at lounge pants, maingat na nag-aayos ng fruit bowl para sa almusal. "Ashton, baka masobrahan naman sa strawberry 'yan," natatawang hirit ni Bea habang binibigyan ng gatas ang anak. "Ako ang kakain niyan, hindi si Sabrina." Ngumiti si Ashton, ang kanyang mga mata ay puno ng matinding warmth habang humaharap sa asawa. " You deserve all the strawberries in the world, wife. Besides, masustansya 'to." Lumapit ang lalaki, inilapag ang bowl sa tapat
Leer más