Nang tuluyang manahimik si Aurora, agad nagsalita ang pulis, tila naliwanagan. “Kung gano’n, ang necklace ay pagmamay-ari ni Miss Peralta.” Tumingin sila kay Aurora, halatang nakabuo na ng konklusyon. “At Ma'am Aurora, ang sinadyang paninirang-puri ay labag sa batas.”Para bang tinusok si Aurora. “I, I didn’t!” sigaw niya, hindi makapaniwalang matatalo sa sariling bitag. “Nagkamali lang ako ng alaala! Hindi ko sinabi na iyan ang nawala ko! Kayo ang nagbigay ng picture, kaya kayo ang nagkamali!”Napatingala ang pulis, napapailing. “You, …,” bulong niya, halatang suko sa kapal ng mukha ni Aurora.Kalmado namang kinuha ni Cassie ang kuwintas. Bago pa siya tumayo, marahan pa niyang ini-angat sa harap ni Aurora, para bang ipinapakitang hindi na niya ito makukuha kailanman. “Since she claims may nawala talaga, officer, you must look for it carefully. Twenty million ang halaga niyon. Kapag hindi nahanap, dereliction of duty ang bagsak n’yo.”Napaatras ang pulis, ayaw maipit. Kailangan na nil
Terakhir Diperbarui : 2025-11-21 Baca selengkapnya