로그인Nang lumingon si Luna, napatigil siya. Nakatayo roon si Prof. Eric!Biglang namula ang buong mukha niya, at gustong-gusto na niyang magpalamon sa lupa sa sobrang hiya.Si Hunter naman, sobrang kapal talaga ng mukha. Dahan-dahan niyang itinaas ang isang kilay niya. "Prof., the way you say that makes it sound like I'm a bad influence on her." Hindi sumagot si Prof. Eric, pero ang seryoso niyang mukha ay malinaw na nagsasabi: Bakit, hindi ba?Sinusubukang itago ang hiya, kumapit si Luna sa braso ni Hunter para makatayo. "Prof... bakit po kayo napadalaw ngayon? Kamusta na po si Tita Klara?"Nung una, plano talaga niyang bisitahin ang Tita Klara niya sa ospital pagkatapos mag-breakfast, pero mahigpit siyang pinagbawalan ni Prof. Eric at sinabihan siyang mag-focus lang sa pagpapahinga. Nagbanta pa nga itong itatakwil siya bilang student nito kapag nagtangka siyang tumakas para bumisita."Klara is doing fine now, hija," mahinang sabi ni Prof. Eric habang lumalapit at naupo sa isang rattan ch
Walang pakialam si Pia sa pagkagulat ni Raul sa katotohanan. Inabot lang niya ang kamay ni Eve, nagmamakaawa ang mga mata habang nakatitig sa panganay niyang anak. "Ano nang gagawin natin?""Let's... go visit her first?" mahinang mungkahi ni Eve. Alam niya kung gaano katindi ang pangungulila ng Mommy niya kay Luna. "Kapag magaling na ang katawan niya at stable na ang baby, makakahanap din tayo ng tamang panahon para sabihin ang totoo. How does that sound, Mommy?" Naalala ang maputla at pagod na mukha ni Luna kagabi, 'di rin nakatulog nang maayos si Eve.Mabuti na lang, tinawagan niya si Hunter ngayong umaga at kinumpirmang maayos ang naging pahinga ni Luna.Kahit ganun, 'di pa rin naglalakas-loob si Eve na pumunta sa pinto ni Luna at biglang sabihin sa dalaga na ito ang nawawala nilang kapatid.Para sa mga Padilla, ang pagkahanap sa nawawala nilang anak ang pinakamasayang balita sa mundo. Sumugod pa nga mula sa Tagaytay ang lolo’t lola nila kagabi lang… sobrang tuwa na gustong-gusto
Sa Sacred Heart Hospital, sa loob ng VIP suite.Pagkatapos malaman na ligtas na nakabalik si Luna sa mansyon kagabi, naging maayos na ang tulog ni Pia.Nang imulat niya ang mga mata niya nang mag-umaga, nakita niyang nakaupo sina Raul at Eve sa tabi ng kama niya, ayaw siyang iwan kahit isang segundo.Binalewala nang tuluyan ni Pia ang asawa niya. Iniharap niya ang pagod niyang mga mata sa panganay niyang anak, nagtatanong nang may matinding pag-aalala, "Eve, bakit 'di ka umuwi kagabi?""You're my mother," mahinang sagot ni Eve, puno ng lambing ang boses. "How could I sleep comfortably knowing you were in a hospital bed?" Kahit bakas ang pagod sa paligid ng mga mata ni Eve, pilit siyang ngumiti. Tinulungan niya ang mommy niya sa banyo para mag-ayos, at pagkatapos lang magmakaawa ni Pia nang paulit-ulit tsaka ipinaliwanag ni Eve ang lahat ng nangyari kagabi.Kahit na ligtas na ang lahat ngayon, napasinghap sa takot si Pia nang marinig ang mga detalye. "Sinasabi mo ba na... napabagsak ni
Binalingan ng tingin ni Hunter si Luna. Sobrang natural lang ng mukha nito, walang kahit kaunting bakas ng guilt.Napatawa siya nang mahina. "So alam ni Lola, but I'm kept in the dark?" Kumuha si Luna ng mainit na karne, isinawsaw sa suka, at sumagot nang 'di man lang kumukurap, "Sinabi ko na sa 'yo ah.""Kailan mo sinabi?" Napaisip si Hunter. "Was it while I was sleeping?" Nanatiling tahimik si Luna. 'Di naman niya pwedeng sabihing, Nung tulog ako, hindi nung tulog ka.Nang gabing iyon, naipagtapat na niya ang lahat, kaso masyado itong nadala ng emosyon para makinig. Ang akala lang nito noon, pilit niyang pinapaako ang anak ng ibang lalaki para mahalin nito bilang sarili nitong anak."Why aren't you saying anything?" Nang makitang tahimik si Luna, bubuksan pa sana ni Hunter ang bibig niya para asarin pa ito, kaso nahuli ng mga mata niya ang pamumula ng mga tainga nito.Nung ma-realize niya kung anong ibig sabihin noon, naglagay si Lola Divina ng steamed dumpling sa plato niya."Kah
'Di na nagulat si Aubrey sa nakakadiring salita nito. Alam niya simula’t sapul pa lang na hayop ang lalaking 'to.Nakakuyom ang mga kamay niya sa galit, umiyak siya nang husto sa harapan nito, "Pero sabi ng doktor na maselan ang pregnancy ko! Kapag may ginawa kang kalokohan ngayon, baka malaglag ang anak natin!"Akala niya, kahit papano, maaawa ang lalaking 'to sa sarili nitong dugo't laman.Pero sa halip, tumawa lang ang isang hayup na Paul Manzano na parang may narinig na nakakatawang biro. Inabot nito ang switch ng ilaw para patayin iyon, at saka nagsalita. "Akala mo naman gawa sa purong ginto 'yang baby mo. Kung mamatay siya, edi mamatay."Ramdam ni Aubrey na parang itinapon siya sa napakalamig na ilog. Nanginginig siya na parang dahon, sinusubukang gisingin ang anuman ang natitirang kunsensya ng lalaking ‘to. "Paul naman! Dala-dala ko ang anak MO!"Lalong lumakas ang tawa ng lalaki, puno ng disgusto ang mga mata nito."At sino namang nakakaalam kung kaninong anak 'yang dala-dala
Halos hindi maitago ni Jane Manzano ang tuwa niya sa narinig mula sa driver. Tinakpan niya ang bibig, kunwari’y gulat at tumingin sa asawa niyang si Carlo Manzano. "Oh my goodness, darling, anong gagawin natin ngayon...?"Namutla nang tuluyan ang mukha ni Paul. Binalewala niya si Aubrey at natatarangang humarap sa driver. "Teka! Ibig mong sabihin... hindi siya totoong Padilla? Kung ganun, paki-sabi naman kay Enzo na… willing akong pakasalan ang totoo nilang nawawalang kapatid!”Malamig at napilitang ngumiti ang driver. "Mr. Manzano, payong kapatid lang, 'wag mo nang iuulit 'yang mga salitang 'yan sa harap ng boss ko. Mabilis uminit ang ulo nun. Kapag narinig ka niyang sinasabi ‘yan, baka patayin ka pa nun nang wala sa oras."Pagkasabi nun, tinapakan na ng driver ang gas para umalis."Teka muna! Please!" Nataranta na nang tuluyan si Paul, 'di na niya pinansin ang mga nang-uuyam na tingin ng pamilya niya. Kumapit siya sa pinto ng kotse, nanginginig ang boses sa desperasyon. "Please, tel







