Dahan-dahang huminga nang malalim si Ralph. Pagkatapos ay ngumiti siya, saka nagbiro, “Ano bang inaalala mo? We’re still brothers. I’m not going to call the police on him.” Tumigil siya, saka nagdagdag nang mas seryoso, “Sinabi ko lang iyon kanina… dahil nataranta ako.” Ang ibig niyang sabihin ay ang tungkol sa bata.Tumango naman si Luna. “Alam ko.”Tinitigan siya nang maigi ni Ralph. “Kung sakaling magsisi ka, pwede ko namang ipaliwanag ang lahat sa kanya.”Nang magtanghali ay bumisita ulit si Pia Padilla, may dalang mga masustansyang pagkain. Habang pinipilit niyang pakainin nang marami si Luna ay hindi niya napigilang magtanong, “I heard you can be discharged tomorrow?”Mabilis na tumango si Luna. “Hindi naman daw po ako malubha,” paniniguro niya. “Huwag na po kayong masyadong mag-alala, Tita.”“Saan ka tutuloy pagkalabas mo?” Sinabi na ng doktor kay Pia na hindi pa dapat bumiyahe nang malayo si Luna.“Sa hotel lang po, okay na po ako doon,” ani Luna na may maliit na ngiti habang
Magbasa pa