Pagpasok pa lang nina Eve at ng dalawa niyang kapatid sa Alphaland villa, ramdam na agad nilang may hindi magandang nangyari.Hinarang ni Enzo ang isang kasambahay sa hallway, tensyonado ang boses. "Nasaan si Mommy?""E kasi po, Sir," kinakabahang sagot ng kasambahay, "bigla pong nahimatay si Madame, kaya isinugod po siya agad ng Daddy niyo sa ospital gamit ang ambulansya.""Saang ospital?!" sabay na tanong nina Ethan at Enzo.Kumunot ang noo ni Eve, naging seryoso ang mukha. "Did they have a fight?" Pabuti na nang pabuti ang kalusugan ng Mommy nila nitong mga nakaraang araw, kaya 'di pwedeng bigla na lang itong hihimatayin nang walang dahilan—maliban na lang kung may nag-trigger sa kanya. Ang pinakamalaking reason ay kung nag-away na naman sila ng asawa nito dahil kay Era, na kinagagalit niya nang sobra.Nataranta naman ang kasambahay at 'di alam kung kanino sasagot sa magkakapatid. "Hindi po, wala pong away! Maayos naman po si Madame noong dinner. Bigla na lang po siyang nahimatay n
Read more