Kabisadong-kabisado ng matandang babae ang apo niya. Kahit medyo pilyo at masakit magsalita si Enzo, alam nito ang hangganan nito. Hindi tulad ng ibang spoiled na mayayamang kabataan sa syudad na nagsasayang ng buhay sa sugal, alak, at babae, kahit kailan ay walang ginawang nakakahiya ang apo niyang si Enzo.Si Don Richard naman, sa takot na gumawa ng eksena ang pamilya sa labas, ay mabilis na napatingin kay Eve. Nang makitang tumango nang bahagya ang panganay na anak na babae ng anak nila, nagdilim ang mukha niya. "Pumasok ang lahat sa loob. Ngayon na."Tumalikod siya at mabilis na naglakad papasok sa loob ng villa.Ramdam naman ni Raul ang matinding kaba, lumingon para tingnan nang masama ang nagsimula ng lahat.Si Enzo naman ay walang pakialam, maingat na inaayos ang salamin niya. "When you raised your hand against me last night, Dad, dapat naisip mo na buhay at malakas pa ang lolo't lola ko."Huminto siya, tsaka humarap sa kaniyang Lola Gabriella at Mommy. "Lola, Mommy, kailangan
Read more