RHEA’S POVHindi ko alam kung gaano na kami katagal na tumatakbo sa makitid na maintenance tunnel sa ilalim ng old corporate wing. Basang-basa ang damit ko sa pawis, humahabol ang hininga ko, at pakiramdam ko anumang oras ay babagsak na ang tuhod ko.“Rhea, huwag kang titigil,” pilit na mahinahon ang boses ni Lucas sa likod ko kahit ramdam kong pagod na rin siya. Hawak niya ang kamay ko, mahigpit, parang doon niya binubuhos lahat ng tapang na wala na sa katawan ko.Sa unahan namin si Jake—nakatingin sa likod paminsan-minsan, baril sa isang kamay, flashlight sa kabila. Ang anyo niya ngayon, malayo sa lalaking unang nakilala ko noon. Mas seryoso. Mas mabigat ang dala.“Extraction point in two minutes,” sabi niya sa earpiece niya, mababa ang boses. “Please tell me andito pa ang team.”Static lang ang sagot.Kinabahan ako. “Jake… wala bang backup?”Saglit siyang tumingin sa akin. Sa mata niya, may kung anong hindi ko mabasa—
Terakhir Diperbarui : 2025-11-26 Baca selengkapnya