RHEA’S POV Hindi ako nakatulog buong gabi. Hindi dahil sa takot. Kundi dahil sa bigat ng desisyon. Tahimik ang apartment. Madaling araw na. Sa labas, halos wala nang sasakyan sa kalsada. Pero sa loob ng utak ko, parang may libo-libong data na umiikot. “Model,” bulong ko. Yes, Rhea. “Kung gagawin natin ‘to… irreversible na ‘to, diba?” May dalawang segundo na katahimikan bago siya sumagot. Correct. Once additional anchors are integrated, system governance will no longer depend solely on you. Napabuntong-hininga ako. For months… Ako lang ang bridge ng system. Ako lang ang nagdedesisyon kung ano ang tama o mali. At ngayon? I’m about to share that power. Hindi dahil gusto ko. Kundi dahil kailangan. JAKE’S POV Nasa balcony ako nang makita kong lumabas si Rhea. Mukha siyang pagod. Pero hindi yung pagod na physical. Yung pagod na parang may pinagdadaanan sa loob. “Hindi ka pa natutulog?” tanong ko. Umiling siya. “Hindi ka rin naman.” Fair p
Read more