Padarag akong tumayo para sana puntahan siya ngunit natigilan ako nang kumalabog ang pintong iyon at iniluwa nito si Celestine. Nakita ko ang mabilis na pagbaling ni Sebastian ng tingin sa bata nang mabilis itong tumakbo patungo sa kaniya. "Daddy! I missed you so much..." Celestine softly said to her dad na ngayon ay hindi na malaman ang gagawin, tila litung-lito ito lalo na nang yakapin siya ni Celestine nang umakyat na ito sa kama. Mabilis akong lumapit sa kanilang dalawa at saglit na sinulyapan si Irene. Bakas ang galit sa mga mata niya. "Family time," I whispered to her at pasimpleng tinulak siya palayo. Nang ibaling ko ang tingin ko kay Sebastian ay nakita ko agad na nahihirapan at tila nasasaktan ito sa paraan
Huling Na-update : 2026-01-17 Magbasa pa