Hindi na ako nakakibo pa at hinayaan na lang si Rusty na igiya ako pababa. This is probably the underground space I am looking for.Habang tinatahak namin ang hagdan pababa ay palakas din nang palakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay may hindi maganda sa lugar na ito."Are you alright?" Untag sa akin bigla ni Rusty. Unang dumako ang tingin ko sa rifle na hawak na niya ngayon bago ako tumingin sa kaniya."Huh? Ayos lang. Bakit?" Nag-aalangan kong sagot sa kaniya. Dinig ko ang pagtikhim niya."You're trembling, Celeste. Relax, Basti's here," aniya kaya umiling ako."No, I was just wondering why you're carrying a rifle here. Para saan ba iyan? Anong mayroon?""I told you, para ito sa—"Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil biglang bumukas ang isa pang pintuan sa pinakababa, halos makapit na kami roon. Nang aninagin ko kung sino ang nagbukas no'n ay nakita ko kaagad ang pagbaba niya ng tingin sa kamay ni Rusty na nakahawak sa siko ko. Umigti
Última actualización : 2026-01-07 Leer más