Nang makita ang reaction ng asawa ay napabuntong hininga si Karen. Alam niyang noon pa pinangarap ni Denver na mapasa kamay nito ang isa sa kompanya ng tiyuhin nito. "I'm fine, hintayin ko ang pagbalik mo.""Thank you, babe!" Masayang niyakap niya ang asawa at hinalikan ito sa pisngi."Sumunod ka sa library matapos ninyong mag usap naag asawa," ani Xavier habang pinupunasan ng tissue ang bibig. Tapos na rin kumain ang mga ito.Mabilis na nag paalam si Denver sa asawa matapos itong pauupuin sa sala. "Huwag kang mahiyang magsabi sa katulong kapag may gusto kang kainin o inumin, ok?""Huwag mo ako alalahanin at hindi na ako katulad ng dati na mahiyain." Pagtataboy niya kay Denver at gusto na rin niyang makita ang kapatid at makausap.Muling hinalikan ni Denver sa noo ang asawa bago umalis. Nilingon niya pa ito at parang feeling niya ay hindi na naman niya makasama ito ng matagal. Saka lang lumapit si Leo kay Karen nang wala na si Denver. "Ma'am, ihatid ko po kayo sa silid ng kakambal
Last Updated : 2026-01-02 Read more