Napailing ang doctor habang ninabasa ang result ng CT Scan. Ilang sandali pa ay huminga ito nang malalim matapos mabasa saka nagpalipat lipat ang tingin sa tatlong anak ng pasyente. "Ano po ang kalagayan ng ama namin, doc?" tanong ni Karen, bilang panganay na anak ay kailangan niyang maging matatag na harapin ang problemang kinakaharap ng pamilya nila ngayon. Kabadong naghintay si Troy na sabihin ng doctor ang result. Iba ang pakiramdam niya ngayon pero nanatili siyang nakapikit."Ikinalulungkot kong ibalita na nasa stage four na ang cancer sa utak ng inyong ama."Umawang ang mga labi ni Kiana pero walang boses na lumabas sa bibig niya. Hindi siya makapaniwalang magkaroon ng ganitong sakit ang ama at malala na.Nabuway mula sa pagkatayo si Shane at parang bombang sumabog sa pandinig niya ang sinabi ng doctor. Umiling siya, "no.... hindi totoo iyan!"Hindi namalayan ni Karen na tumulo na ang luha sa mga mata niya at hindi magawang ibukas ang bibig.Kitang kita ni Troy kung paano maap
Read more