MAVIE LOVELY“Mavie Lovely, hindi magandang biro ‘yan,” sabi niya sa akin.“Sino ba ang may sabi na nagbibiro ako–”Bigla na lang niya akong hinila palapit sa kanya. “Ano ba ang dapat gawin sa matabil mong bibig?” tanong niya sa akin kaya kunot noo akong nakatingin sa kanya.“Bakit, mali ba ang sinabi ko? I’m just stating facts,” sabi ko sa kanya.“Pero, grabe ka naman kasing magsalita.”“Masakit talaga ang katotohanan, boss. Hindi pa nga kita sinasabihan na tanga ka kasi nagpapa-uto ka sa cheater na ‘yon–”“Sinabi mo na nga. Oo, tanga na nga talaga ako,” sabi niya sa akin.“Buti naman at alam mo,” sabi ko sa kanya at lumayo na ako para simulan na ang trabaho ko.“Naawa lang ako sa kanila dahil wala silang mapupuntahan,” sabi niya sa akin.“Sana ganyan ka rin ka maawain sa anak mo noon,” mga salitang gusto ko sabihin sa kanya pero mas pinili ko na lang na manahimik.“Magtatrabaho na ako, boss. Gusto mo ba ng coffee?”“Yes, please,” sagot niya kaya naman pumunta na ako sa pantry.Nagti
Huling Na-update : 2026-09-19 Magbasa pa