INICIAR SESIÓNKenzo, ano yan hahahaha
MAVIE LOVELYNagsimula na nga talaga ang palabas. Sarap ng kain ko ng popcorn habang itong nasa tabi ko ay tahimik lang rin na nanonood. Hindi pa naman nakakatakot. Kaya siguro wala pa siyang reaction. Kumakain kami ng popcorn at hindi ko na nga namalayan na sinusubuan ko na pala siya. Na gulat na lang ako nang maramdaman ko ang dila niya sa daliri ko.“Bata ka ba at nagpapasubo ka pa sa akin?” mataray na sabi ko sa kanya.“Ikaw kaya ang kusang nagsubo sa akin,” sabi niya kaya kumunot ang noo ko.“Talaga ba?” tanong ko pa sa kanya.“Yes, sweetie,” sabi pa niaya.“Parang hindi naman,” sabi ko na lang.“Ikaw–”“Shh, ‘wag kang maingay. Manood ka na lang,” sabi ko sa kanya dahil magsasalita na naman siya.Itong matandang ito talaga. Parang nagsisinungaling lang naman siya. Parang hindi naman ako ang nagsubo sa kanya. Bakit ko naman gagawin ‘yon? Hindi naman kami close na dalawa. Pero may habit rin talaga ako na gano’n. Kapag kasama ko si King at Kelly na nagmomovie night ay lagi ko silang
MAVIE LOVELY“Mavie Lovely, hindi magandang biro ‘yan,” sabi niya sa akin.“Sino ba ang may sabi na nagbibiro ako–”Bigla na lang niya akong hinila palapit sa kanya. “Ano ba ang dapat gawin sa matabil mong bibig?” tanong niya sa akin kaya kunot noo akong nakatingin sa kanya.“Bakit, mali ba ang sinabi ko? I’m just stating facts,” sabi ko sa kanya.“Pero, grabe ka naman kasing magsalita.”“Masakit talaga ang katotohanan, boss. Hindi pa nga kita sinasabihan na tanga ka kasi nagpapa-uto ka sa cheater na ‘yon–”“Sinabi mo na nga. Oo, tanga na nga talaga ako,” sabi niya sa akin.“Buti naman at alam mo,” sabi ko sa kanya at lumayo na ako para simulan na ang trabaho ko.“Naawa lang ako sa kanila dahil wala silang mapupuntahan,” sabi niya sa akin.“Sana ganyan ka rin ka maawain sa anak mo noon,” mga salitang gusto ko sabihin sa kanya pero mas pinili ko na lang na manahimik.“Magtatrabaho na ako, boss. Gusto mo ba ng coffee?”“Yes, please,” sagot niya kaya naman pumunta na ako sa pantry.Nagti
MAVIE LOVELY“Saan po galing ito?” tanong ko sa kanya at hindi ko pa tinatanggap ang boxes ng sweets na hawak ni kuya.“Wala pong nakalagay, Miss Mavie.”“Wait lang po, kuya. May tatawagan lang po ako,” sabi ko sa kanya at mabilis kong tinawagan si gurang.“Galing ba ito sa ‘yo?” tanong ko agad sa kanya.“Yes,” sagot naman niya.“Why?” “Gusto ko lang,” sagot niya sa akin.Dahil sa sagot niya ay binaba ko na ang tawag at kinuha ko na sa rider ang boxes. Binigyan ko siya ng tip dahil sa paghintay niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang mayroon at binigyan niya ako. Pero gusto ko rin naman ang mga ito kaya ang isang box ay binigay ko sa mga kasama namin sa bahay at akin ang isa.Umakyat na ulit ako sa room ko at nag-aral na ulit ako. Habang nagbabasa ako ay kumakain ako ng binigay niya sa akin. Hindi ko alam kung alam ba talaga niya ang gusto ko. Mahilig kasi talaga ako sa muscat grapes kaya sobrang nagustuhan ko ang cakes at mochi na pinadala niya. Malapit ko na ngang maubos kung h
MAVIE LOVELY“Grabe ka naman sa orangutan? Baka naman sinasabi mo lang ‘yan dahil–”“Kilabutan ka nga!” naiinis na sabi ko sa kanya at naglakad ako palapit sa kanya para ibigay ang hawak kong folder pero bigla na lang akong napatid.Nawalan ako ng balanse kaya naman mapadiretso ako sa kanya at hindi lang basta sa kanya dahil napaluhod pa talaga ako sa harapan niya. “Ouch!” sambit ko dahil ang sakit ng tuhod ko.“Sweetie, bakit ka nariyan? Mas gusto mo bang mag-usap tayo na nariyan ka?”“Eww! Bastos!” sabi ko at tatayo na sana ako pero dumulas naman ang sapatos ko kaya napasobsob na talaga ako sa danger zone niya.“Ohh, fvck!” bulalas niya.“Oh my gosh! Kadiri ka!” “Yuck!” sabi ko pa at pinilit ko na tumayo na pero ang letse ko na sapatos ay madulas talaga.Muli na naman napasobsob sa harapan niya at this time ay parang matigas na yata ito. Like, hindi naman tulad kanina pero ngayon ay nagulat ako dahil matigas niya. Muli na naman siyang napamura kaya kahit ako ay nabubwisit na rin ta
MAVIE LOVELY“Bro!”Mabilis akong yumakap sa kanya. Hindi ako puwedeng makita ng daddy ko. Ayaw kong magpaliwanag sa kanya kahit pa wala naman kaming ginagawa na masama ng gurang na ito. Mabuti na lang talaga at may jacket siya kaya siniksik ko ang sarili ko.“Dito ka ba matutulog?”“Hindi, may kinuha lang ako dito. Aalis rin ako agad,” sagot ni daddy sa kaibigan niya.“Ako rin may kinuha lang rin kami.”“Iba ka talaga, kahit dito sa elevator ay malupit ka,” natatawa na sabi ng daddy.“Naman!” sabi pa ng lalaking ito kaya naman pasimple ko siyang kinurot.“Ouch! Masakit, sweetie,” sabi niya kaya parang gusto kong masuka sa sweetie.Langya na matanda ito! Gusto ko lang naman na magtago pero ginawa pa akong jowa niya. Hindi ko ka-level ang fiance niyang cheater. Lakas naman ng loob niya. “Mauna na ako sa inyo,” sabi ni daddy at siya na ang unang bumaba sa may lobby habang kami ay papunta pa sa may parking area.Sa labas lang yata ang car ni daddy kaya lumabas na siya. Nakahinga naman
MAVIE LOVELY“Umiiyak ka ba?” tanong ko sa kanya dahil nagulat ako sa kanya.“Sino ang umiiyak?” tanong niya sa akin.“Ikaw? Alangan naman na ako?” mataray na sabi ko sa kanya.“Bakit naman ako iiyak? Babae lang ‘yan,” sabi niya sa akin.“Tama ka naman. Babae rin naman ang anak mo at kinaya mo nga na tiisin,” mahina na sabi ko sa kanya.“Akin ba ang pagkain na ‘yan?” tanong niya sa akin at alam ko na nagbingi-bingihan lang talaga siya.“Oo, kawawa ka naman. Niloko ka na nga tapos magugutuman ka pa,” sabi ko sa kanya.“Thanks, Mavie.”“Saan ka kakain?”“Sa condo ko na lang,” sagot niya sa akin kaya naman nagdrive na ako papunta sa condo niya kung saan rin ang condo ni daddy.Ilang minuto lang rin naman ‘yon bago kami nakarating sa labas ng condo building niya. “I’ll stay here,” sabi ko sa kanya.“Sumama ka na sa loob.”“Dito na lang ak–”“Tara na,” sabi niya at hinila ako palabas sa sasakyan.Wala na akong nagawa pa. Hinayaan ko na lang siya. Kilala naman ako ng guard dito kaya wala n







