LOGINMaraming salamat po!
KELLY JOANNEPinigilan ko na siya bago pa siya may gawin sa akin. Lumabas na kaming dalawa at bumalik na kami sa trabaho namin. May meeting pa siya mamaya sa labas at hindi na ako sasama pa sa kanya. Kailangan ko kasing asikasuhin ang ibang bagay. Kaya siya na lang at alam ko naman na hindi naman ako kailangan doon.Kailangan ko rin kasing tawagan ang lahat ng kailangan ko tawagan para sa darating na product launch namin. Akyat baba ang ginawa ko dahil may mga kailangan ako sa ibang department. Kababalik ko pa lang pero sumabak na agad ako sa trabaho.Nagmamadali rin ako para matapos ko ang lahat ng mga naka-schedule ko na dapat gawin sa araw na ito. Habang nagtatrabaho ako ay dumating si Diane. Padabog niyang nilagay ang mga papers sa table ko. Gusto ko sanang pagsabihan kaya lang sayang sa energy ko at laway ko. Nagpatuloy na lang ako sa ginagawa ko.“Pasalamat ka talaga at inaanak ka niya. Dahil kung hindi ay baka matagal ka ng wala dito,” sabi niya sa akin.“Ikaw ang dapat na pagp
KELLY JOANNE“Good morning, baby,” narinig ko ang boses ng boyfriend ko.“Anong oras na?”“Five o’clock,” sagot niya sa akin.“Bakit ang aga mo?” tanong ko sa kanya.“Dahil, miss kita,” sagot niya sa akin.“Lagi mo na lang akong nami-miss,” sabi ko sa kanya at nakapikit pa rin ang mga mata ko.“Can you blame me? Binaliw mo ako kaya dapat lang na panagutan mo ako,” sabi niya pa sa akin kaya parang nawala na yata ang antok ko sa narinig ko mula sa kanya. Nakakatuwa naman kasi ang lalaking ito.“Talaga bang kasalanan ko? Dapat nga ay ikaw ang managot dahi–”“Pananagutan naman kita, baby ko. Matagal na kaya,” sabi pa niya sa akin at bigla na lang siyang tumawa.“Inaantok pa ako.”“Edi tabi na muna tayo. Matutulog na muna ako. May dala akong damit kaya dito na ako maliligo,” sabi pa niya sa akin at hinalikan niya ako sa labi pero saglit lang naman.Lumipat siya sa tabi ko at niyakap niya ako. Kaya naman niyakap ko rin siya pabalik. Ang sarap talagang yakapin ng matandang ito. Hindi siya na
KELLY JOANNEHindi ko na lang siya pinansin pa. Ayaw ko ng gulo kaya sana ay gano’n rin siya. Ngayon na tanggap na ni daddy ang relasyon naming dalawa n daddy ninong ay walang dahilan para magpaka-stress ako sa kanya. Alam ko naman at nararamdaman ko na mahal ako ng boyfriend ko.Nagulat na naman ako dahil may bigla na namang yumakap sa akin.“Daddy ninong, ‘wag ka ngang makulit. Nakakahiya kay Mavie,” saway ko sa kanya.“Sus, nahiya ka pa. Ako lang ‘to, beshy. Bahala na kayo kung gusto niyong magharutan. Ang mahalaga ay kasama ko ang King ko,” sabi ni Mavie na nakikinig pala sa amin.“Hey, guys!” napalingon naman ako dahil narinig ko naman ang boses ng daddy ko.“Ano po ang ginagawa mo dito, dad?” hindi makapaniwala na tanong ko sa kanya.“Pinapunta ko siya dito, baby. Naawa kasi ako eh, mag-isa lang siya sa bahay niyo. Family time naman ngayon at pamilya naman natin si daddy,” nakangisi na sabi niya sa akin at tumawa naman ako.“Daddy mo mukha mo! T*ngina mo!”“Bibig mo tanda! May ba
KELLY JOANNE“Alam mo ba na naiinis ako sa ‘yo! Nakakainis ka!” naiiyak na sabi niya sa akin at wala akong ginawa kung hindi ang yakapin siya.“Alam ko, alam ko na nakakagalit ang ginawa ko sa ‘yo. I’m sorry. I’m really sorry, Mav. Hindi ko naman inaasahan na mamahalin ko ang daddy mo. Alam ko na ang bilis pero alam ko at sigurado naman ako na mahal ko siya. I’m sorry, kung ako ang magiging dahilan kaya hindi na mabubuo ang pamilya na nais mo,” sabi ko sa kanya.“Alam mo naman na mahal na mahal kita. At hindi ko kayang magalit sa ‘yo. Okay lang, okay lang sa akin dahil ang mahalaga ay masaya si King. Ipagkakait ko pa ba sa kanya angisang buong pamilya na gusto niya,” sabi niya sa akin kaya mas lalo na akong umiyak.“Sorry, Mavie. Sorry talaga, okay lang sa akin na magalit ka. Okay lang sa akin na saktan mo ako kung gusto mo. Alam ko na deserve ko ito,” sabi ko sa kanya.“Sa tingin mo ba talaga ay kaya ko ‘yong gawin sa ‘yo? Sa tingin mo ba talaga?”“Hindi, alam ko na hindi. Gusto ko
KELLY JOANNE“Good morning!” nagulat ako sa taong bigla na lang pumasok dito sa kusina.“Why are you here?” malamig na tanong ng boyfriend ko sa ex niya.“Dinalaw ko ang anak natin at dito na rin ako natulog. Saan ka natulog? Bakit wala ka dito kagabi? At bakit sila nandito?” sunod-sunod na tanong ng mommy ni Mavie.“Kumain na po muna tayo, mom. Mamaya na po ni daddy sasagutin ang mga tanong mo,” sabi ni Mavie at kumakain na siya.“Bakit mamaya pa kung puwede naman ngayon?”“Mom, kumain na po tayo.”“Okay, later na lang. Pero hindi ko naman inaasahan na pupunta dito si Kelly. Siya na ba ang anak mo?”“Opo,” sagot ko sa kanya.“Saan ang daddy niya? Okay lang ba sa kanya na pumupunta kayo dito?”“May masama ba kung pupunta sila dito?” si daddy ninong na ang nagtanong sa kanya.“I’m just asking, honey,” sabi niya pa sa boyfriend ko.“Matagal na tayong tapos kaya ‘wag mo na akong tawagin ng ganyan,” sabi naman nitong lalaking ito sa ex niya.“Ano naman ang masama kung tawagin kitang honey
KELLY JOANNELumabas na muna ako at iniwan ko na muna ang dalawa. Pumunta ako sa room ni daddy dahil gusto ko rin siyang kausapin na kaming dalawa lang. Kumatok ako at walang sumasagot. Aalis na sana ako pero bigla na lang bumukas ang pinto ng room niya. Pumasok naman ako at nakita ko siya na nakaupo na ngayon sa kama niya.“Dad, can we talk?” tanong ko sa kanya.“It’s okay, princess. Sumama ka lang sa kanya, alam ko naman na hindi ka niya pababayaan,” sabi niya sa akin at ramdam ko ang lungkot sa paraan ng pagkakasabi niya sa akin.“Bakit feeling ko gusto mo na ako na umalis dito?” tanong ko sa kanya.“Dahil alam ko naman na gusto mo ng umalis at sumama sa kanya. Ang sabi mo nga ay mahal mo siya at ibibigay ko sa ‘yo ang nais mo. Gusto ko na maging masaya ka–”“Paano kung ayaw ko? Paano kung ayaw ko pa na umalis dito? Papaalisin mo ba ako, dad?” tanong ko sa kanya.“I won't do that, princess.”“Wala pa po akong balak na umalis. Hindi pa po ako mag-aasawa dahil hindi naman niya ako niy







