Chapter 17 of MSUTULUYAN kaming ikinasal ni Eliz. Isang pribado, ngunit magarbong pagtitipon ang naganap sa aming mansyon. Kung saan sa maluwang na hardin ng aming tahanan ginanap ang kasal namin dalawa ng aking napangasawa.“Ikinagagalak namin ang inyong pagiisang dibdib ijo, ija!” sambit ni Don Ygnacio. Ama ni Eliz, Heneral ng sandatahan pandigma ng kasalukuyan pamahalaan. “Siya nga Kumpadre, mag-inom tayo at magpakasawa. Dahil ang ganitong okasyon ay minsan lang maganap,” sambit naman ng aking Ama na si Valentin. Ito ang pinuno sa aming henerasyon ngayon. At dahil ako lang ang nag-iisang tagapagmana niya ay umaasa itong magkaroon sa akin ng tagapagmana.Mula sa dako roon, kung saan nagkukumpulan ang mga babae. Kasama ang aking pinakasalan. Masaya naman nakikipaghuntahan ang aking Ina.“Sa wakas! Natupad din ang ating plano, ang magkaisa ang ating lahi,” galak na ukol ng aking ina na si Pelagia.“Umaasa akong bibigyan tayo ng maraming Apo nitong mga anak natin, diba aking Eliz.” P
Última actualización : 2025-11-30 Leer más