TINAPUNAN ko nang tingin ang aking mga anak. Patuloy pa rin silang nakamasid sa akin. “Believe me, you will not like the idea na mangyari uli ang nakaraan,” naisatinig iyon ni Maken. Nasa isang panig na ito ng silid at binubuksan ang bote ng alak.Hindi ko siya sinagot man lang.“You did this, kaya tayo narito sa sitwasyon na ito,” ani naman ni Draken.Lalo akong hindi nakapagsalita. Dahil totoo naman, kung hindi sa naging plano ko noon ay hindi madadamay ang mga ito.“Tanggapin mo na, hindi lang ikaw ang nabubuhay para sa kanya. Kami rin…” Si Gaven na iniwanan ako ng mga pangungusap na iniiwasan kong marinig.DAHIL sa labis na pag-iisip, hindi ko namalayan na tuluyan akong dinala ng aking mga paa sa silid kung saan nagsimula ang lahat.Mula sa nakapinid na nagiisang bintana ay kitang-kita ko ang kadiliman mula roon—kapares ng aking isip.“Hai! Uncle andito ka pala,” bati sa akin ni Evianna Morine. Nanatili akong hindi siya nililingon ng magsimula siyang maglakad palapit mula sa aki
Última actualización : 2026-01-30 Leer más