Maaga pa lang pero napagdesisyunan na ni Claire na umuwi ng mansion para makapagpahinga. Gusto niyang matulog para makapagpahinga naman ang utak niya sa kakaisip.Habang nasa byahe siya ay tinawagan niya si Andeng.“Ma’am Claire?” sagot kaagad ni Andeng.“Andeng, nasa mansion ba kayo ni Sofia?” tanong niya.“Nasa children’s park kami ma’am. Kanina ko pa inaaya si Sofia na umuwi pero ayaw pa niya. Naliligo na siya sa pawis, wala pa naman akong dalang damit niya. Kapag binuhat ko siya para iuwi na, nagwawala siya ma’am.” Pagsusumbong ni Andeng.“Saang children’s park kayo? Sa labas ba yan ng subdivision o sa loob?”“Nasa labas kami ma’am. Sa tapat ng gate 3.” Sagot ni Andeng.“Sige, daanan ko na lang kayo diyan.” Saad ni Claire saka ibinaba ang tawag at nagfocus na sa pagdadrive niya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Gusto niya na rin talagang puntahan ang nahuli nila detective Aaron pero pakiramdam niya, hindi pa niya kaya.Hindi pa niya kayang isiksik sa isip niy
Última atualização : 2026-02-17 Ler mais