Michelle's POV Lumalim na ang gabi, kaya naisipan na ni sir Drake na umuwi na sa resthouse niya. Gusto pa nga niya akong ipaalam kanila mama na isama niya ako. Pero hindi na ako pumayag. Mukhang hindi naman na tama ang gusto niya. Pumayag na din ako na hindi muna magbukas sa p'westo namin bukas sa palengke.Pero hindi ako pumayag sa gusto niya na bayaran niya ang sana mabenta ko. Subra-subra na nga ang naitulong niya sa amin at sa gamot ni tatay. " I'm going home, little kitten.See you tomorrow." Paalam niya sa akin. Pumasok na din kami sa loob. Nasa sala pa si mama,nanonood pa ng mga palabas. Agad na din nagpaalam si sir Drake kay mama. " Maraming salamat po,mama Mina. Pakisabi nalang po kay,mang Ricardo,salamat at uuwi na ako." " Mag-ingat ka,sir Drake. Maraming salamat ulit,lalo sa mga pagkain. " Masayang wika naman ni mama. Nilabas na niya ang kanyang big bike. Namiss ko na naman agad siya. Gusto ko kasi na palagi siyang kasama at kausap. Kahit na ba ay may pagkasi
Last Updated : 2025-10-29 Read more