“Liza, huwag kang gagalaw....akin ka muna.”Mahigpit ang kapit ko sa pulso niya habang hinihila ko siya palayo sa bintana ng villa. Hindi pa humuhupa ang echo ng mensaheng iyon...ang boses ni Mirielle, malamig, kontrolado, parang kutsilyong dahan-dahang idinidiin sa balat ko. I’m coming for her.At sa sandaling iyon, alam kong hindi na ito laro ng isip, hindi na corporate chess. Ito na ang unang suntok.“Drake, ano’ng nangyayari?” tanong ni Liza, nanginginig ang tinig, pero matapang ang mga mata. ‘Yong klase ng tapang na mas lalong nagpapalakas ng proteksiyon ko...at kasabay no’n, mas lalo akong nasasaktan dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit siya nasa panganib.“Listen to me,” sabi ko, ibinaba ang boses ko, inilapit ang noo ko sa kanya. “From this moment on, susundin mo ako. Hindi dahil gusto kitang kontrolin...kundi dahil gusto kitang mabuhay.”Tumango siya, pero nakita ko ang galit sa likod ng pagtitiwala. Galit sa mundo, sa mga lihim, sa akin. At may karapatan siya.Hindi pa
Last Updated : 2025-12-28 Read more