“Don’t say my name like that, Drake.”Nakahawak pa rin ako sa doorknob ng fire exit sa penthouse, hinihingal, pawis na pawis, nanginginig ang mga tuhod ko matapos niya akong iligtas mula sa tangkang pagdukot ng mga tauhan ni Xavier. Ang boses niya—basag, sugatan, puno ng galit at takot—ay parang martilyong paulit-ulit na humahampas sa dibdib ko.“Liza,” ulit niya, mas mababa na ang tinig, mas desperado. “Huwag kang aalis.”Humigpit ang hawak niya sa pulsuhan ko. Hindi masakit, pero sapat para ipaalala sa akin na hindi ito panaginip. Na nandito siya. Na buhay pa ako. Na sa kabila ng lahat—ng dugo, ng kasinungalingan, ng mga lihim—si Drake de La Joya pa rin ang lalaking hindi ko kayang talikuran.“Bitawan mo ako,” bulong ko, kahit kabaligtaran ang gusto ng katawan ko.“Hindi,” agad niyang sagot. “Hindi na kita pakakawalan.”Tumawa ako nang mapait. “Ganyan din ang sinabi mo noon. Bago namatay ang nanay ko.”Parang sinampal siya ng mga salita ko. Kita ko ang pagkirot sa panga niya, ang pa
Last Updated : 2026-03-02 Read more