“Miss Reyes, totoo bang may relasyon kayo sa stepfather n’yo?”Tumigil ang mundo sa tanong na ’yon. Parang biglang nag-freeze ang hangin sa harap ng police station...mga ilaw ng kamera, sigaw ng reporters, tunog ng sapatos ng mga pulis na nagmamadali. Nakatingin silang lahat sa akin, naghihintay ng dugo, ng luha, ng pagkakamali.“Wala akong sasabihin,” sagot ko, mababa pero malinaw, kahit nanginginig ang boses ko.“So you’re not denying it?”Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko. Sa gilid ng paningin ko, nakita ko si Drake...nakaposas, tuwid ang tindig, diretso ang tingin sa harap. Hindi man lang niya ako nilingon. Parang sinadya. Parang ayaw niyang makita ko ang mga mata niya ngayon.“Miss Reyes...”“Sinabi ko na,” putol ko, “wala akong sasabihin.”Sumigaw ang isang reporter, mas malakas kaysa sa iba. “Is this why your mother married him? Para pagtakpan ang relasyon n’yo?”Parang sinampal ako ng tanong. Nanikip ang dibdib ko. Gusto kong sumigaw, ipagtanggol ang sarili ko, ang na
Last Updated : 2026-01-09 Read more