“Hindi mo pwedeng akuin lahat, Drake...hindi ka Diyos.”Bumagsak ang boses ni Mama Betina sa pagitan ng malamig na dingding ng interrogation room, parang martilyong tumama sa sentido ko. Nakatitig siya sa akin sa salamin, hawak ang bag niya na parang sandata, pero ang mga mata niya...iyon ang totoong matalim. Nasa likod niya ang abogado ko, tahimik, nagmamasid. Ako? Nakaupo, may posas pa sa pulso, pero tuwid ang likod. Hindi dahil matapang ako...kundi dahil wala akong choice.“Hindi ko inaangkin ang pagka-Diyos, Ma.” Mababa ang boses ko, pero malinaw. “Inaangkin ko ang responsibilidad.”“Responsibilidad?” singhal niya. “O pag-ibig?”Hindi ako sumagot agad. Dahil alam niya. Dahil alam naming lahat. Ang pangalan ni Liza ay hindi ko kailangang banggitin para umalingawngaw sa silid. Parang multo ang presensya niya...hindi nakikita, pero ramdam sa bawat hinga ko.“May inilabas na statement ang kampo ni Mirielle,” sabat ng abogado, binuksan ang tablet. “Sinisisi ka niya sa obstruction, m
Last Updated : 2026-01-11 Read more