Tahimik ang biyahe papunta sa villa, pero hindi iyon yung tahimik na nakakakalmang tahimik—kundi yung uri na parang may humahabol pa rin sa amin. Kahit naka–tinted SUV kami, kahit limang bodyguards ang naka-konboy, kahit alam kong nilinis ko na ang buong ruta—my chest still felt tight.Liza was hugging herself sa tabi ko, naka-jacket ko, naka-sandal ko, naka-scent ko. Para siyang ninakaw ng mundo sakin kanina… at ngayon, ayaw ko nang may kahit sinong sumubok ulit.Pagdating namin sa villa, halos ayaw kong bumaba. Gusto ko siyang hawakan, i-secure, i-wrap sa mga braso ko at hindi ko na siya bibitawan hanggang umayos ang lahat. Pero kailangan ko munang icheck ang buong paligid.“Stay here. Don’t move.”Tumango lang siya, pero kita ko sa mga mata niya yung pagod, yung takot, yung hindi pa rin nag-si-sink in lahat.Binuksan ko ang pinto at lumabas nang mabilis.“Clear the perimeter. Now.”In less than ten seconds, may report na.“All clear, sir.”Good. Pero hindi ako naniniwala sa “safe”
Last Updated : 2025-11-25 Read more