Kinabukasan ay parang normal lang ang lahat kay Juliette na akala mo ay walang komprontasyon na namagitan sa pagitan nila ni Nicole. Alam niya na darating ang mag-aamang Dylan, Joaquin at Joaquim at alam iyon ng mga bata.Si Mama Beth ay busy sa kusina habang si Lolo Horacio ay nasa kanyang silid pa.Sa sala ay nakita niya si Gener, tahimik na nakaupo habang hawak ang tablet. Ngunit kahit nakatutok ang mga mata nito sa screen, halata ang tensyon sa kanyang katawan, ang bahagyang paninigas ng balikat, ang paminsan-minsang pagtingin sa pinto.Sa kabilang banda, ang kambal na sina Jamima at Janina ay hindi mapakali. Paulit-ulit nilang inaayos ang mga laruan, ngunit halata sa kanila ang excitement. Paminsan-minsan ay napapatingin sila sa pinto, tila ba naghihintay sa isang bagay na matagal na nilang gustong maranasan.“Mom,” mahinang tawag ni Gener.Lumapit si Juliette at marahang hinaplos ang buhok nito. “Darating na ba sila?” diretso nitong tanong.Hindi na niya kailangang linawin kung
Read more