“Lo, pwede ka nang magsalita. Huwag ka nang tumingin-tingin pa diyan,” sabi ni Juliette habang nakaupo sa sofa, bahagyang nakataas ang kilay. Ramdam niya kasi ang mga mata ng matanda na kanina pa nakatuon sa kanya.Dalawa na lamang silang nasa living room. Tahimik ang buong condo—ang mga ilaw ay malamlam lang ang liwanag, at sa kabilang bahagi ng unit ay nasa kwarto na ang mga bata, mahimbing nang natutulog matapos ang mahabang araw.“Sinabi sa akin ni Beth na nanggaling dito si Dylan,” tugon ni Don Horacio matapos ang ilang sandaling katahimikan. Seryoso ang mga matang nakatingin sa apo, parang sinusukat ang magiging reaksyon nito.“Yes,” maikli ngunit diretso ang sagot ni Juliette. Bahagya siyang napasandal sa sofa bago nagdagdag, “And what about it?”Huminga nang malalim ang matanda bago sumagot, tila maingat na pinipili ang mga salitang lalabas sa kanyang bibig.“Kailangan ng mga bata ng ama,” sabi niya. “I have investigated Dylan… and to tell you frankly, he is a good father to yo
Read more