Share

Chapter 43

Author: RGA.Write
last update publish date: 2026-07-09 15:15:51
Sa isang mamahaling restaurant dinala ni Dylan si Juliette. Isa iyon sa mga pinakasikat na fine dining restaurants sa lungsod, kilala hindi lamang sa masasarap nitong pagkain kundi maging sa elegante at pribadong ambiance nito.

Malalawak ang pagitan ng bawat mesa, mahina ang tugtog ng classical music sa paligid, at ang malalaking floor-to-ceiling windows ay nagbibigay ng magandang tanawin ng skyline. Isang lugar na perpekto para sa mga business meetings, mahahalagang selebrasyon, o mga pag-uusap
RGA.Write

Maging sincere ka lang Dylan.

| 3
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 43

    Sa isang mamahaling restaurant dinala ni Dylan si Juliette. Isa iyon sa mga pinakasikat na fine dining restaurants sa lungsod, kilala hindi lamang sa masasarap nitong pagkain kundi maging sa elegante at pribadong ambiance nito.Malalawak ang pagitan ng bawat mesa, mahina ang tugtog ng classical music sa paligid, at ang malalaking floor-to-ceiling windows ay nagbibigay ng magandang tanawin ng skyline. Isang lugar na perpekto para sa mga business meetings, mahahalagang selebrasyon, o mga pag-uusap na kailangang ilayo sa mapanuring mga mata.Pagpasok pa lamang nila ay agad silang sinalubong ng isang nakangiting waitress.“Good afternoon, sir, ma'am. Welcome.”“I have a reservation under Dylan Lucero,” magalang na sabi ni Dylan.Mabilis na sinilip ng waitress ang reservation list sa hawak nitong tablet bago ito muling ngumiti.“Yes, Mr. Lucero. Your table is ready. Please follow me.”Tahimik na sumunod sina Dylan at Juliette hanggang sa isang mesa sa tabi ng malaking bintana. Mula roon ay

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 42

    Sa weekly na pagpunta ni Dylan kasama ang kambal na anak sa condo ni Juliette ay naging malapit ang mga bata sa isa't-isa. Si Gener ay mabilis na natanggap nila Joaquin at Joaquim dahilan upang makahinga ng maluwag ang bata na inakalang tuluyan na siyang mawawala sa pamilyang kinalakihan.Nagpatuloy din ang trabaho para kina Dylan at Juliette pero no matter how busy Dylan is, ay hindi niya kinakalimutan na i-text or tawagan si Juliette para kamustahin o iparamdam lang ang kanyang presensya."Another text from Dylan?" taas ang kilay pero nakangiting tanong ni Camila. Kasalukuyan silang nasa opisina nito sa StoryBank at pinag-uusapan ang plano nilang pagpa-publish din ng mga libro ng kanilang mga exclusive authors."Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang palabasin sa ginagawa niyang ito," tugon ni Juliette. "Kung dati siguro ay kinilig na ako.""Hindi pa naman huli ang lahat, pwede ka pang kiligin." Ngumisi pa si Camila ng sabihin iyon dahilan upang umikot ang mga mata ni Juliette. "Ba

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 41

    Kinabukasan ay parang normal lang ang lahat kay Juliette na akala mo ay walang komprontasyon na namagitan sa pagitan nila ni Nicole. Alam niya na darating ang mag-aamang Dylan, Joaquin at Joaquim at alam iyon ng mga bata.Si Mama Beth ay busy sa kusina habang si Lolo Horacio ay nasa kanyang silid pa.Sa sala ay nakita niya si Gener, tahimik na nakaupo habang hawak ang tablet. Ngunit kahit nakatutok ang mga mata nito sa screen, halata ang tensyon sa kanyang katawan, ang bahagyang paninigas ng balikat, ang paminsan-minsang pagtingin sa pinto.Sa kabilang banda, ang kambal na sina Jamima at Janina ay hindi mapakali. Paulit-ulit nilang inaayos ang mga laruan, ngunit halata sa kanila ang excitement. Paminsan-minsan ay napapatingin sila sa pinto, tila ba naghihintay sa isang bagay na matagal na nilang gustong maranasan.“Mom,” mahinang tawag ni Gener.Lumapit si Juliette at marahang hinaplos ang buhok nito. “Darating na ba sila?” diretso nitong tanong.Hindi na niya kailangang linawin kung

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 40

    Nanatiling tahimik si Nicole matapos ang sinabi ni Dylan, ngunit sa likod ng mga matang tila nagpipigil ng luha ay may ibang emosyon na kumikilos—mas malamig, mas matalim, at mas mapanganib kaysa sa simpleng kahihiyan.Dahan-dahan siyang tumango, pilit na kinakalma ang sarili.“Okay,” mahina niyang sagot, halos pabulong. “Magso-sorry ako sa kanya.”Ngunit ang mga salitang iyon ay tila may dalawang kahulugan—isa para kay Dylan, at isa para sa sarili niyang plano.Pinagmasdan siya ni Dylan nang ilang segundo, para bang sinusubukang timbangin kung gaano katotoo ang ipinapakita nito. Ngunit sa huli ay tumango na lamang siya, tila pagod na rin sa nangyari.“Good,” sabi niya. “That’s the least you can do.”Hindi na siya naghintay pa ng sagot. Tinalikuran niya si Nicole at muling bumalik sa loob ng ballroom, kung saan patuloy ang selebrasyon na tila walang nangyaring tensyon ilang minuto lang ang nakakalipas.Naiwan si Nicole sa gilid ng hallway.Mag-isa, tahimik na nagngingitngit sa galit at

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 39

    Nanatiling nakatayo si Juliette sa harap ni Dylan matapos ang maikling tugon niyang iyon. Ang simpleng “Okay” ay tila may dalang mas mabigat na kahulugan kaysa sa inaasahan niya.Hindi iyon pagtanggap nang buong puso, ngunit hindi rin pagtanggi. Isa iyong uri ng pahintulot na walang kasamang emosyon o marahil ay pilit na tinatabunan ang emosyon na ayaw na niyang balikan.Ilang sandali pa silang nagkatitigan, at sa pagitan ng katahimikan ay tila mas lalong lumalalim ang mga bagay na hindi nila sinasabi. Ang ilaw mula sa hallway ay bahagyang tumatama sa mukha ni Juliette, nagbibigay-diin sa matatag niyang ekspresyon, habang si Dylan naman ay tila naghahanap ng kahit anong bakas ng dating babaeng kilala niya.“Thank you,” dagdag ni Dylan, mas mahinahon ang boses ngayon. Hindi lamang iyon para sa pahintulot na binigay ni Juliette, kundi para sa pagkakataong unti-unting ibinibigay nito kahit pa hindi iyon malinaw na inaamin.Hindi sumagot si Juliette. Sa halip ay bahagya lamang siyang tuman

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 38

    Tahimik ang buong ballroom habang hawak ni Juliette ang mikropono. Ang mga ilaw ay nakatutok sa kanya, at ang bawat pares ng mata ay tila naghihintay ng susunod niyang sasabihin. Ilang segundo siyang nanatiling nakatayo roon, hindi dahil sa pag-aalinlangan, kundi dahil sinasadya niyang hayaang maramdaman ng lahat ang bigat ng sandaling iyon.“Good evening,” panimula niya, malinaw at matatag ang boses.Hindi ito malakas, ngunit sapat upang marinig ng lahat. At higit sa lahat, sapat upang ipaalala na hindi niya kailangang sumigaw para mapakinggan.“I know that tonight was supposed to be a simple celebration,” patuloy niya, dahan-dahan ang pagsasalita, “but it seems like… naging mas makulay ang gabi kaysa sa inaasahan.”May ilang bahagyang natawa, ngunit karamihan ay nanatiling tahimik. Alam ng lahat kung ano ang tinutukoy niya.Hindi na niya kailangang pangalanan o ulitin pa.Dahan-dahan niyang inikot ang kanyang tingin sa buong ballroom. Ang bawat galaw niya ay kontrolado, bawat ekspres

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 5

    Five years later“Mommy! Mommy!” Napalingon si Juliette mula sa pakikipagkwentuhan sa kaibigan at kasosyo sa negosyo na si Camila dahil sa narinig na sigaw ng anak na isa sa kambal. “Mommy! Jamima and Kuya Gener are chasing me!” tili pa ng bata na sinamahan ng malakas na pagtawa.Natawa narin naman

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 4

    Sa Hacienda Romano, si Juliette ay nasa lanai at nag-aalmusal kaharap si Don Horacio, ang kanyang lolo. Isang matandang chairman ng Banco de Romano o mas kilala hindi lang sa bansa kung hindi pati na rin sa iba't-ibang kontinente bilang BDR, isang commercial bank.“Kumain ka ng kumain, apo.” Nginit

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 3

    “Damn it! Wala pa rin kayong idea kung nasaan na ang asawa ko?” galit na tanong ni Dylan sa kanyang assistant na si Meynard.“I’m really sorry, Sir. Pero lahat ay tinignan na namin. Walang Juliette Lucero na lumabas ng bansa o nagbiyahe papunta sa ibang bayan o probinsya through air.” Nakayuko si M

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 2

    Kasunod na araw, walang ganang bumangon si Juliette. Hindi siya nagpilit dahil Linggo, wala namang pasok ang mga anak. Nanatili siyang nakahiga at nakapikit habang nararamdaman niya ang pagkilos ni Dylan.Naghintay siya magdamag sa pagpasok ng asawa sa kanilang silid ngunit hindi iyon nangyari. Ini

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status