CHAPTER 68Gusto ko sanang ikuwento kay Ayannah. Pero mas pinili ko na lang na kimkimin 'yon. Pakiramdam ko, mae-evil eye lang ako kung ikukuwento ko.Sa ngayon, may plano akong sundan si Anton. Ewan ko, kahit alam ko na, nahihiwagaan pa rin ako kung bakit ganito siya mag-effort sa akin. Mas mataas pa nga ang sahod ko sa kaniya, at sa ginagawa niya, maging sahod ko ay hindi afford ang gano'ng bagay."Hindi ako sasabay sa 'yo pauwi, Ayannah.""Bakit?""May pupuntahan lang ako," sabi ko nang maggabi na.She smiled and hooked her arm around mine. Pababa na kami, sakay ng elevator."Samahan na kita," aniya at humilig pa sa balikat ko na parang pagod na pagod.Napanguso ako at tiningnan ang repleksyon ko sa elevator."Huwag na. Kaya ko na 'to."Ayannah's lips pouted and I saw it in her reflection. Kaya bago pa siya makapagreklamo, inunahan ko na siya."Hindi ako mapapahamak, promise."
Last Updated : 2026-01-16 Read more