Freya's POVAng mga mayayabang at mapagmataas nilang mga aura sakin kanina ay biglang nawala nang dumating agad si Ezekiel. Kasama niya si Jeff at ang ilan pa niyang bodyguards."What happened?" Malamig niyang tanong at lumapit sa akin at agad na pumulupot sa aking bewang ang kanyang braso."Sir, wala po kaming ginagawang masama." Pag-papaawa ng iba na sinang-ayunan ng kanyang mga kasama."Ang mga katulong mo kasi, hindi nagluto ng tanghalian. Nagtanong lang naman ako kasi panis na iyon, akalain mo kung sino nang mapagmataas na nagsalita sa akin. Eto, pakinggan mo ang mga pinagsasabi nila." Binigay ko sa kanya ang cellphone ko at saka sila tinignan. Para silang tinakasan ng dugo sa labis na pamumutla.Malamig ang mukha ni Ezekiel habang pinapakinggan ang mga pinagsasabi nila sa akin. Nginisian ko naman silang lahat. Yung guard ay tila disappointed din ang mukha na binalingan ang kanyang mga tinulungan kanina. That's fine, wala naman siyang ibang sinabi. "Jeff." Malamig na tawag ni Ez
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-01-11 อ่านเพิ่มเติม