Freya's POV Ambilis ng araw at ngayon na ang kasal namin ni Ezekiel. Kakagaling lang namin sa simbahan at ngayon ay nandito na kami sa kanilang malaking mansion upang magcelebrate. "Mom, kanina ka pa umiiyak. Are you not happy?" Tanong ko sa kanya. Humihikbi kasi siyang kinakalas ang mga lock sa aking likuran. "Ano ka ba naman anak, syempre masaya ako para sayo. Ang unica iha ko, iuuwi na ng kanyang mapapangasawa." "Ano ka ba mommy, dadalaw pa din naman ako noh." Natatawa kong wika sa kanya. Natigilan naman ako nang bigla siyang pumaharap at yumakap sa akin. Niyakap ko din naman siya pabalik. "I'm so happy anak dahil sa tamang landas ka napunta. I don't even see your future but I know, Ezekiel will treat you right. Kahit na medyo masungit siya, alam ko anak pahahalagahan ka niya." Nakangiti niyang wika sa akin. Napangiti naman ako sa kanyang sinabi. "Thank you mommy for everything." Lumabas na kami ni mommy after kong magbihis. Nagsalosalo lang kaming lahat kasama na ang i
Last Updated : 2025-11-20 Read more