Freya's POV "It's true. Hindi niyo alam kung ano ang sakit na nararamdaman ko mula nang patigilin niya ako sa panililigaw kahapon. Imagine, pinatigil niya ako sa panliligaw tapos ngayon, mag-aanounce sila ng PINSAN ko na ikakasal sila?" Ang kapal naman ng kanyang mukha. "Hindi ba dapat noon pa niya ako pinatigil kung wala naman akong pag-asa hindi ba? You all know that I have a chance right?" Pavictim pa niyang wika. Napapikit ako sa inis na nararamdaman ko ngayon. "Oo nga naman, Freya. Masakit yan para sa kaibigan namin. Dapat hindi mo na pinaasa pa." Mas nag-init ang ulo ko nang sumapaw pa ang kanyang kaibigan. "Why don't we ask her friend, Marice. Ikaw ang saksi sa lahat hindi ba?" Baling ng kanyang ina kay Marice. Ibig kong matawa. Tama siya nga ang saksi sa lahat. Kinakabahan namang tumango si Marice at hindi makatingin sa akin. "Enough, Darwin. Tama na nakakahiya sa mga bisita." Galit na wika ng ama ni Ezekiel. "Wala kang dapat ikahiya, pinsan. Alam mo naman na nililigaw
Last Updated : 2025-11-12 Read more