Nakaramdam ako ng malamig na tubig na binuhos mula sa ‘king ulo, dahilan para magising ako mula sa pagkakatulog.“Gising, mahal na prinsesa!”“Tulog pa yata, e!”“Sabuyan niyo pa. Lagyan niyo ng ice.”Bago pa man ako makaimik, muli na naman nila akong binuhusan ng tubig, This time, sobrang lamig na nito. Nanginig ang buo kong katawan at kasabay nito ang paghugot ko ng malalim na hininga.“Oh, gising na siya!”“Tawagan niyo na si boss. Dali!”Gusto ko sanang gumalaw, pero parehong nakatali ang aking kamay at paa.Magulo rin ang buhok ko. Medyo blurred pa ang aking paningin dahil sa kakagising ko lang. Ngunit nasisiguro kong na sa isang abandonadong lugar kami. Tanging ilaw mula sa isang light bulb lang ang nagbibigay ng liwanag sa silid na ito.“Anong…” My voice trembled. “Anong kailangan niyo sa ‘kin?”Medyo nahihilo ako. Mukhang dahil ito sa nalanghap ko sa panyo kanina.I tried to look outside the window, only to find out it was still dark outside. Anong oras na ba? Bakit ako nandi
Read more