Tahimik akong sumimsim sa hawak kong hot coffee, nag-iingat dahil baka sakaling mapaso ako. Dahan-dahan kong binaba ang kape at tumingin sa kanya.“Alam mo ba kung anong klaseng paghihirap ang sinapit namin ng kapatid ko pagkatapos mo kaming tinalikuran?” Mahina akong natawa. “I don’t know why I’m still saying this. As if naman mawawala lahat ng galit, sakit, at paghihirap na nararamdaman ko kung sasabihin ko sa ‘yo ang lahat, ‘di ba? But still, I think you deserve to know it. Kasi pagkatapos nito, ayaw na kitang makita pa.”Yumuko siya. “Alam kong isang pagkakamali ang talikuran kayo. Maniwala ka sa ‘kin, Asli, walang araw na hindi ko kayo inisip.”Mahina akong umiling. “H’wag m akong lokohin nang harap-harapan. Dahil kung inisip mo kami, hindi mo kami iniwan in the first place. Ah, wait. Bakit mo pala kami iniwan? Ah, oo nga pala. Sinabi mo pala sa ‘kin. Pagod ka na sa buhay mahirap kaya ka umalis. Di ba?”“Asli—”“Pero alam mo ba kung gaano kahirap sa ‘kin ang lahat?” Mariin kong k
더 보기