“Masyado ka bang pinapahirapan ni Willow?” tanong ni Blythe habang binabaybay namin ang pathway sa kanilang hardin.Medyo malawak ang hardin ng mga Andreev. At kapag na sa mood sila, dito sila nagsi-set up ng dinner dahil bukod sa maganda ang paligid, kitang-kita rin ang malawak na kalangitan.“Hindi naman,” mahina kong sagot. “Mag-isa lang kasi akong secretary niya, kaya medyo marami akong kailangang gawin, kaysa sa ginagawa ko noong secretary pa lang ako ni President Axton.”Dito sa kanila, kailangan ko pa rin i-address si Axton bilang President, ngunit gamit ko na ang first name niya. Lahat kaya sila Andreev. Though kapag sinabi kong President Andreev, isa lang naman ang ibig kong sabihin, at ‘yon ay si Axton. Ngunit mas mabuti na ang specific. Ayokong magkamali, at lalo na sa lahat, ayokong maging damsel in distress. “I’m sure he’s furious as hell.” Mahinang natawa si Blythe. “Mabilis magalit ‘yan kapag inaagawan ng laruan.”Kumunot ang aking noo at wala sa sariling tumingin sa k
더 보기