Tasya's Point of View Tuluyang nawala ang tapang sa sistema ko. Humagulhol ako habang naririnig ang iyak ni Tyrone at hinahanap ako. Pilit naman siyang inaalo ni Nanay Flora mula sa naririnig ko. Sinubukan kong pigilan ang iyak. Nagpakatapang muli. "Nay, pakibigay po ang telepono kay Tyrone..." Halos pumiyok na ika ko. "Nanay, saan ka na po?" Bungad pa lang na salita ni Tyrone ay talagang dinurog na ang kalooban ko. Paano ko natiim na huwag siyang makita? Napakasama kong ina. "Nanay uwi ka na po..." tila pakiusap niya. Humihikbi pa dahil kagagaling lang sa iyak."Yes, honey. Uuwi ang nanay. Hintayin mo ako ha? Uuwi na si Nanay..." sabi ko. Hindi lang durog ang puso ko kundi halos napira-piraso ng pino. Napakabata pa niya para maranasan ang ganito. Pero anong magagawa ko? We need to survive."Pangako po?"Napatutop ako sa aking bibig. Mangangako na naman ako ng isang bagay na hindi ko matutupad. I'll break the heart of my little angel. Broke na nga iyon ngayon. Hindi lang si Ta
Huling Na-update : 2025-12-11 Magbasa pa