Tasya's Point of ViewWalang mas hihirap pa sa sitwasyon ko kundi ang makita ko ang anak ko na nahihirapan. Okay na sa akin ang maghirap na maghanap buhay pero itong makita ko si Tyrone na ganito, sobrang mabigat sa kalooban. Nanghihina ako. Sa murang edad niya, ganitong pasakit na ang laan sa kaniya ng tadhana. "His body is not yet ready for operation, Tasya. Masyadong mahina. His current weight doesn't meet the expectation weight we need to operate..." Dumagdag pa ang sinabi ng doctor.Ginagawa naman namin ang lahat. Ang sabi ko nga kay Nanay Flora, hindi baling mamulubi ako basta kakain sila ng masarap. Hindi gaya namin noon na halos tipirin namin ang mga sarili namin para lang makakain ng dalawang beses sa isang araw. Nagsasaka nga sila pero halos lahat ng kita, pambayad sa utang na iniwanan ni Papa. Hindi naman dapat sila obligado pero ang bahay na tinitirhan namin, ginawang collateral ni Papa. Ang bagsak, maging ang maliit na sakahan nila ay nabenta para ma-keep ang bahay at lu
Last Updated : 2025-12-21 Read more